"Aya! Magugulat ka sa nalaman ko sa Maynila! Alam mo na bang—"Pagod kong nilingon si Eli. Abala ako sa pagpupunas ng lababo nang bigla siyang pumasok, dala-dala ang kaniyang mga bagahe, parang bagyong sumugod sa katahimikan ng bahay. Ngayon nga pala ang balik niya galing Maynila."Bumagyo ba rito nang hindi ko alam?" tanong niya habang sinusubukang hindi matapakan ang mga gamit na nagkalat sa sala."Mage-general cleaning ako. Iibahin ko ayos ng bahay," walang gana kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagpupunas."Ah, buti naman naisipan mo..." ani Eli, may halong sarkasmo sa tono. "Eh, ang sarili mo? Kailan mo ige-general cleaning, aber?" pasaring pa nito.Hindi ko siya sinagot. Pinili kong ibaling muli ang atensyon sa lababo. Sa paulit-ulit kong pagpupunas, unti-unting lumitaw ang repleksyon ko sa malamig na tiles—magulong buhok, lumalalim na eyebags, at mata na parang ilang gabi nang hindi nakakatulog.Parang ako na rin ang bahay—magulo, kalat-kalat, at nangangailangang ayusin.
Last Updated : 2025-06-18 Read more