GUMALAW ANG ADAMS apple ni Brian nang lumunok siya ng laway. Kung kanina puno ng buhay ang mata at boses ni Gabe, ngayon ay biglang nagbago iyong bigla. Sa tingin niya, mukhang ayaw ipabanggit ni Gabe kahit na ang pangalan ng lalaki. Iginagalang naman niya ang desisyong iyon ng pinsan. Malamang ay labis itong nasaktan sa mga nangyari sa kanila nito.“Imposible di ba? Ang malaking tanong doon ay may kagaya pa ba nilang dalawa sa panahon natin ngayon? Ha? Brian?”“Gabe, I’m really—”“Tss, pwede ba Gabriano huwag mo ng tanungin ang nakaraan ko? Mag-focus ka na lang sa sarili mong problema. Kilala mo ako, lalaking version ako ni Daddy…malakas, matatag at saka maganda. Marami ang nagkakagusto rin sa akin. Isa pa, hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Ang dami nila. Nagiging bulag lang ang mga mata ko ngayon.”“Ang dami nga, Gabe, pero iisang tao lang naman ang alam mong mahal mo, mamahalin mo at siya lang naman iyon.”Pagkasabi noon ay tinawid na ni Brian ang kanilang pagit
Terakhir Diperbarui : 2025-08-04 Baca selengkapnya