Share

Chapter 17.1

last update Last Updated: 2025-08-04 19:18:30

GUMALAW ANG ADAMS apple ni Brian nang lumunok siya ng laway. Kung kanina puno ng buhay ang mata at boses ni Gabe, ngayon ay biglang nagbago iyong bigla. Sa tingin niya, mukhang ayaw ipabanggit ni Gabe kahit na ang pangalan ng lalaki. Iginagalang naman niya ang desisyong iyon ng pinsan. Malamang ay labis itong nasaktan sa mga nangyari sa kanila nito.

“Imposible di ba? Ang malaking tanong doon ay may kagaya pa ba nilang dalawa sa panahon natin ngayon? Ha? Brian?”

“Gabe, I’m really—”

“Tss, pwede ba Gabriano huwag mo ng tanungin ang nakaraan ko? Mag-focus ka na lang sa sarili mong problema. Kilala mo ako, lalaking version ako ni Daddy…malakas, matatag at saka maganda. Marami ang nagkakagusto rin sa akin. Isa pa, hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Ang dami nila. Nagiging bulag lang ang mga mata ko ngayon.”

“Ang dami nga, Gabe, pero iisang tao lang naman ang alam mong mahal mo, mamahalin mo at siya lang naman iyon.”

Pagkasabi noon ay tinawid na ni Brian ang kanilang pagit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Eleanor Tenebroso Cisneros
hindi magugustuhan ni bethany c piper na maging manugang ayaw din ni gabe na maging hipag c piper
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
thanks sa update miss a Piper ikaw na kc magsabi sa daddy mo kc nga wla pang balak si brian takot sa kay briel
goodnovel comment avatar
Kristine luv Villanueva
piper ikaw na mgsabi sa daddy mo na hindi anak ni briel ang gusto mo kundi anak ni thanie mas matutuwa un kc xa ang first crush kesa kay briel... kso dapat kaya mong tiisin ang bully na kulot ha heheheh
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 17.1

    GUMALAW ANG ADAMS apple ni Brian nang lumunok siya ng laway. Kung kanina puno ng buhay ang mata at boses ni Gabe, ngayon ay biglang nagbago iyong bigla. Sa tingin niya, mukhang ayaw ipabanggit ni Gabe kahit na ang pangalan ng lalaki. Iginagalang naman niya ang desisyong iyon ng pinsan. Malamang ay labis itong nasaktan sa mga nangyari sa kanila nito.“Imposible di ba? Ang malaking tanong doon ay may kagaya pa ba nilang dalawa sa panahon natin ngayon? Ha? Brian?”“Gabe, I’m really—”“Tss, pwede ba Gabriano huwag mo ng tanungin ang nakaraan ko? Mag-focus ka na lang sa sarili mong problema. Kilala mo ako, lalaking version ako ni Daddy…malakas, matatag at saka maganda. Marami ang nagkakagusto rin sa akin. Isa pa, hindi lang naman siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Ang dami nila. Nagiging bulag lang ang mga mata ko ngayon.”“Ang dami nga, Gabe, pero iisang tao lang naman ang alam mong mahal mo, mamahalin mo at siya lang naman iyon.”Pagkasabi noon ay tinawid na ni Brian ang kanilang pagit

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 16.4

    BAGO PA MAN makapag-react sa baby talk ni Gabe si Brian ay natigilan na siya nang marahang hinaplos nito ang ulo niya na parang isa siyang batang paslit pa rin sa paningin. Hindi naman iniiwas ng binata ang ulo sa pinsan. Sanay na sanay siya dito. Mula pagkabata nila gawain na iyon ni Gabe sa kanya. Kinopya niya ang madalas gawin ng ina niyang si Gabriella na nadala naman ni Gabe ngayon hanggang sa pagtanda. Saka hindi lang siya ang ganito niyang itrato. Lahat naman sila. Si Bryson. Si Nabe. Si Gia at si Vaniel. Ganun din kasi ang mga magulang ng kanyang pinsan sa kanila dati pa.“Come on, Gabriano. Malaki ka na ngayon. May sarili ka ng isip at desisyon. Ano pa bang kinakatakutan mo?” “Ha?” “What I am saying is, sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Kapag hindi si Ceska ang babaeng napangasawa mo, habangbuhay kitang pagtatawanan sa pagiging isang duwag mo! Mahal mo naman hindi ba? Fight for her at all costs.”Muli pang napaawang ang bibig ni Brian. Pati ang nickname ni Ceska ay alam ni

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 16.3

    SINUBUKAN NA HUBARIN iyon ni Ceska upang maisauli niya sa babaeng nagbigay, ngunit bago pa man ito lubusang magawa ay tinalikuran na siya ni Gabe na parang may sinabi lang sa kanyang importante. Akmang hahabulin niya ito ngunit nilapitan na siya ni Benedict kaya naman nawala na sa paningin niya ang babaeng nagbigay sa kanya ng kwintas na siya mismo ang nag-design. Makailang beses niyang inilinga ang mga mata upang hagilapin ang bulto ngunit wala na. “Anong sinabi niya sa’yo, Ceska?” “She gave me the necklace, Benedict.” Natigilan ang kanyang Manager na naburo na ang mga mata sa kwintas. Hilaw na siyang natawa. Nahulaan na kung ano ang nangyayari. Maaaring kasabwat iyon ni Brian kung kaya siya ang nakakuha. Kung wala lang doon ang abogadong pinsan ng dating nobyo ni Ceska doon, mas malamang ay mas napataas niya pa ang value nito. Dangan lang at maging siya ay ayaw makalaban ang babaeng iyon. Napailing na lang ang kanyang ulo. Tinulungan na si Ceska na hubarin iyon. “Let me help you

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 16.2

    NAGSALITA NA ANG host sa stage at sinabing ang starting price ng bidding noon ay 1.2 million peso. Ganun nakakalula ang halaga ng design na iyon na yari sa purong ginto. Di na kataka-taka na mas mahal nga iyon kumpara sa ibang items.“1.3 million!” sigaw ng isang lalaki na malapad na ang ngisi. “1.5 million.” si Benedict na ikinagulat ni Ceska na kanyang katabi. Ilang beses bumuka ang bibig ni Ceska na nakatutok na ang mga mata sa mukha ng Manager niya. “Why? I like the necklace. Pwede ko siyang maging family heirloom kapag nagkaroon ako ng pamilya.” “1.8 million!” sigaw ng naunang lalaki sa kagustuhan na makuha iyon. Binangga na ni Piper ang tagiliran ni Brian na wala pa ‘ring imik at parang walang planong maki-agaw ng items. “Anong ginagawa mo? Ayaw mong makuha ang item?” mahina niyang bulong na sapat lang upang marinig ni Brian. “2 million!” si Benedict na nagpasinghap na sa lalaking ka-bidding niya. Nagpalakpakan ang mga tao sa pag-aakalang sa kanya na iyon mapupunta, ngun

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 16.1

    WALANG IMIK NA tumango lang si Brian. Nakahalukipkip pa rin ang dalawa niyang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Binalingan ni Benedict si Piper na malapad ang ngiting kumaway sa kanya. Kilala nila ang bawat isa dahil sila ang nag-usap noong mag-order siya ng design ng wedding dress kay Ceska. Ilang beses iyong ini-apila ni Piper at dahil nakulitan si Benedict, kinausap niya si Ceska na payagan iyon. Hayaan na dahil mukhang hindi rin siya nito titigilan kung tatanggihan niya. Sa huli ay nakuha ni Piper ang kanyang gusto na maging si Ceska ang designer ng wedding dress niya.“Hi…”“Hello, Miss Hidalgo. Salamat sa support niyo sa mga design ni Miss Natividad.”“No problem. Sa galing ng mga kamay ni Miss Natividad, worth na worth siyang suportahan sa lahat ng event niya.”Inayos ni Benedict na huwag magusot ang suot na damit ni Ceska. Nakasunod pa rin doon ang nagliliyab sa inis na mga mata ni Brian na kung pwede lang makamatay ay tiyak na kanina pa nakahandusay si Benedict at nag-aagaw n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 15.4

    SA HALIP NA sundin nito ang kanyang hiling sahil sa kanyang pagbabanta ay taliwas doon ang ginawa ni Piper. Mapang-asar ang ngiti nitong bigla na lang siyang kinabig palapit upang halikan. Hindi kakabakasan ng anumang takot ang mga mata nitong nakaburo pa rin sa mga mata ni Brian. Agad na nakita iyon ng binata kung kaya naman naiwasan niya na bago pa man ito mag-landing. Nadismaya doon si Piper na sa halip na sa labi tumama ay sa isang pisngi lang niya. Bulilyaso ang kanyang plano. Napatayo na si Brian sa kanyang upuan na mukhang planong mag-walkout dahil sa kalokohan ni Piper. Hindi niya na maatim ang manatili pa sa kinauupuan, ngunit muli siyang napaupo nang makita niyang palapit na sa pwesto nila ang bulto nina Ceska at Benedict. Bigla na siya doong nag-panic. Lalapitan ba siya ng dalawa? Bakit? Nakita kaya ni Ceska ang ginawa ni Piper sa kanya kanina? Bakit ba siya nag-aalala? Tapos na naman sila. ‘Calm down, Gabriano. Baka malapit lang sa row na ito ang upuan nila.’ Ceska was w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status