PABIRONG NG KINAGAT ni Gabe ang kamay ni Atticus na ikinangisi lang naman nang malaki ng lalaki. Muli niyang hinalikan ang kasintahan at walang imik na binuhat na ang katawan nito patungo sa dining table matapos na ibalik ang kanilang mga saplot na nahubad sa katawan. Napairit noon si Gabe na bahagyang sinipa-sipa na ang dalawa niyang binti. “Iyong sofa, Fourth!” maliit ang boses ni Gabe na pulang-pula na ang buong mukha dahil nakita niya ang bakas ng kanilang ginawa doon na kumalat, “Nakakahiya kapag may ibang nakakita.” dugtong nito, parang ngayon lang nangyari. “Ayos lang iyon, ako na ang bahala dyan mamaya.” kampanteng tugon pa rin ni Atticus na patuloy pa rin ang hakbang. “Ano bang nangyari sa’yo? You are not such a shy person normally. Saka wala namang ibang taong bumibisita dito sa penthouse ko kundi ikaw lang. Iyong mga tagalinis ko once a week, hindi naman siguro magiging big deal iyon sa kanila.” Napawi ang mga ngiti ni Gabe nang biglang mayroong naalala.“Talaga ba ako l
Terakhir Diperbarui : 2025-10-26 Baca selengkapnya