FAZER LOGINDINAAN NA LANG ni Atticus sa pagngiti ang sinabi ng nobya at hindi na niya dinamdam kahit na may lungkot sa kanyang mga mata. Sabagay, baka nga malungkot lang si Gabe dito habang wala siya. Baka mamaya hindi niya pa ito matiis at hindi niya tapusin ang isang Linggong bakasyon na kailangan niya at utos ng doctor. Kailangan niyang panindigan pa rin iyon.“Hindi ko sinasabi na kailangan na natin magpakasal para matawag mo na akong asawa.” agad na bawi ni Gabe sa kanyang sinabi nang makita ang kakaibang ngiti ng kasintahan sa kanya, “Baka mamaya ay iyon na ang mga iniisip mo.” Lumapit pa sa kanya si Atticus, marahan ng hinaplos ang kanyang ulo. “Naniniwala akong isang araw ay maiikasal din tayong dalawa, Gabe. Hindi kita minamadali. Take your time, Baby…” Hindi siya sinagot ni Gabe na sinandal na ang ulo sa tagiliran ng katawan ni Atticus upang yumakap lamang. “Why do I feel like you're quite clingy right now?” tanong ni Atticus nang makita ang pagiging extra sweet ni Gabe.“Di ah. Ay
PUNO NG PAGIGING maang-maangan na inayos ni Atticus ang kanyang mukha. Siya na ang iiwas sa nobya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili gaya ng dati. Siya lang din ang mahihirapan, isa pa ay baka mabuko rin siya sa ginawa niya.“Hmm, ngayon gusto mong dito na ako matulog?” Ma-dramang niyakap pa ni Atticus ang kanyang sarili na malakas na kinatawa ni Gabe. Hindi siya natutuwa sa nobyo.“Tigilan mo nga ako niyang kaartehan mo. Wala akong pagnanasa sa katawan—”“Talaga?” “Talagang-talaga.” “Then aalis na ako—” “Wala man lang yakap at kiss?” “Aha! Kita mo na? Ikaw itong—” Sinamaan na siya ni Gabe ng tingin na malakas pang ikinatawa ni Atticus matapos na hindi na ituloy ang mga sasabihin pa sana. Niyakap na niya ang katawan ng kasintahan upang pawiin na ang napipinto nitong pagmamaldita na naman.“Oo na, dito na ako matutulog.” sambit ni Atticus na nauna ng pumasok ng penthouse, “Sinusubukan lang naman kita.” “Sinusubukan? May problema ka ba?” habol na ni Gabe matapos na tangga
NAG-MAKE FACE LANG si Gabe ngunit sinupil niya ang sarili na barahin ang sinabi ng kasintahan dahil magmumukha lang siyang isip-bata. Ang isang matured na babae ay hindi aasta nang ganun. Aminin niya man o hindi ay kinikilig siya.“If it is strange, isipin mo na lang na driver mo ako at sinusundo kita.” muli pang hirit ni Atticus na nakangisi pa rin.Ini-unat ni Gabe ang kanyang mga binti na halatang sobrang nangalay. Marahan niya pa iyong minasahe gamit ang kanyang isang palad. Pinanood lang naman siya ni Atticus. “Para kang sira, anong driver ang pinagsasabi mo diyan?” Tinitigan pa ni Atticus ang kasintahan ngunit biglang binawi iyon at iniiwas na para bang napaso siya pagkaraan ng ilang minuto. A hint of something was in his eyes, and after a moment's pause muli siyang nagsalita. “Kain tayo sa labas?” Hindi iyon inaasahan ng abogada kung kaya naman na-surpresa siya sa plano ng nobyo. “Saan naman tayo kakain? Nagpa-reserved ka na ng resto?” “Malalaman mo kapag nakarating na t
NAKATANGGAP LANG SI Atticus ng irap kay Gabe kung kaya naman tumatawa-tawa na itong pumunta ng banyo. Ilang sandali pa ay narinig na ni Gabe ang mahinang lagaslas ng tubig ng paliligo ng nobyo. Paglabas ng lalaki ay nakatapis na lang ito sa beywang ng towel, na may napakapreskong amoy ng tubig. The quilt was lifted. Nahiga na ang lalaki sa tabi ng kasintahan. Ni hindi ito nag-abalang magsuot ng damit. Nahuhulaan na agad ni Gabe kung ano ang mangyayari sa kanila. Nakayakap na agad ang mga kamay nitong parang sawang pumulupot sa katawan ni Gabe na biglaang nag-init na noon. “Kung ayaw mo pang matulog baka gusto mong may gawin tayo para mapagod?” bulong nito sa puno ng tainga ng babae an nagbigay ng kilabot sa kanyang balat, binulabog na noon ang mga insektong nagtatago sa kalamnan ni Gabe.Umikot ang katawan ni Gabe at humarap kay Atticus upang pagbigyan lang ang lalaki sa kahilingan. Hindi siya tumutol kung anuman ang sinasuggest ng kasintahan na inabot na agad ang labi niya. Sa pagka
PABIRONG NG KINAGAT ni Gabe ang kamay ni Atticus na ikinangisi lang naman nang malaki ng lalaki. Muli niyang hinalikan ang kasintahan at walang imik na binuhat na ang katawan nito patungo sa dining table matapos na ibalik ang kanilang mga saplot na nahubad sa katawan. Napairit noon si Gabe na bahagyang sinipa-sipa na ang dalawa niyang binti. “Iyong sofa, Fourth!” maliit ang boses ni Gabe na pulang-pula na ang buong mukha dahil nakita niya ang bakas ng kanilang ginawa doon na kumalat, “Nakakahiya kapag may ibang nakakita.” dugtong nito, parang ngayon lang nangyari. “Ayos lang iyon, ako na ang bahala dyan mamaya.” kampanteng tugon pa rin ni Atticus na patuloy pa rin ang hakbang. “Ano bang nangyari sa’yo? You are not such a shy person normally. Saka wala namang ibang taong bumibisita dito sa penthouse ko kundi ikaw lang. Iyong mga tagalinis ko once a week, hindi naman siguro magiging big deal iyon sa kanila.” Napawi ang mga ngiti ni Gabe nang biglang mayroong naalala.“Talaga ba ako l
KINAGABIHAN NG ARAW na iyon ay sa penthouse ni Atticus umuwi si Gabe. Medyo nag-aalala siya sa kasintahan kahit na alam niyang okay naman sila paggising nila noong umaga. Pumanhik na siya ng palapag ng penthouse nito at walang pag-aatubiling binuksan ang pintuan. Natagpuan niyang naroon na si Atticus, ngunit hindi ito nagluluto gaya ng kanyang inaasahan. Nakaupo ito sa sofa habang may librong binabasa. Saglit lang siyang nilingon ng maramdaman. May instrumental na music. French food from a five-star hotel was on the table and red wine. Hindi tipo ng babae si Gabe na maging sentimental sa mga bagay-bagay ngunit sa gabing iyon ay sobrang na-touch siya sa paghahanda ni Atticus doon.“Anong meron sa araw na ito?” masiglang tanong ni Gabe na kumandong na kay Atticus matapos niyang ibaba ang hawak na briefcase at hubarin ang suot na foot socks, hindi alintana ang pinagkakaabalahan ng nobyo na kanyang maiistorbo pihado. Kinulong na niya ang magkabilang pisngi ng lalaki sa palad upang halikan






