IN THE END, they finished almost the entire bottle of expensive liquor. Gaya ng inaasahan ng mga nakapalibot sa kanya, nalasing ang matandang lalaki na si Gavin dahil sa taas ng mga tagay nito na animo ay nagpapakita ng gilas sa mga kainom na anak at manugangin niya. Tinulungan siya ni Bethany na umakyat sa kanilang silid sa ikalawang palapag upang magpahinga na. Nagbubuhol na ang mga binti nito ngunit hindi iyon alintana ng Ginang. Medyo makulit na rin kasi ang asawa at kung anu-ano na ang mga sinasabi na kadalasan ay wala na sa hulog ang iba noon kung kaya naman nagpasya na ang Ginang na patulugin ito.“Nabe, bring up your dad's coat later. Nasa bulsa noon ang cellphone ng Daddy niyo, in case na tumawag ang Lolo niyo ay agad niyang masasagot.”Si Gabe ang tumayo at dumampot noon kahit ang bunso nila ang inuutusan ng kanyang ina. Para kasing walang narinig si Nabe na may binubulong-bulong sa kapatid nilang si Bryson. “Ako na ang magdadala, hindi narinig ng mas paboritong anak ni Dad
Last Updated : 2025-10-21 Read more