NAPASABUNOT NA SA kanyang ulo si Bryson na lumipad na ang tingin sa inang iginalaw lang ang magkabilang balikat. Napag-usapan na nila iyon dati pa na si Bryson ang susuportahan kay Nabe habang wala itong trabaho na tinanggap nito.“Nabe—” “Take note, iba pa ang binibigay ng hipag niyang si Ceska sa kanya. Ang galante nila sa kanya, hindi ba? Pati kay Vaniel.”Nilingon na ni Nabe ang Ate Gabe niya upang magpakampi na rin sa kanya. Naiiling naman si Bethany na nanonood lang.“Ate Gabe, noong si Kuya Bryson ba tinitipid mo? Hindi naman di ba?” “Of course not, wala akong naging reklamo noon kada hingi niya khait gaano pa iyon kalaki pero Nabe, hindi naman sa kung saan-saan niya lang ginagastos ang pera. Hindi mo siya kagaya na—” “Ah, so nagkakampihan na kayong dalawa ngayon?” halukipkip ni Nabe na tinaasan na sila ng kilay ni Bryson, “Mommy narinig mo sina Ate at Kuya? Pinagdadamutan ako. Mag-apply na lang talaga ako ng trabaho para may sarili akong pera.”Sinenyasan ni Bryson si Nabe
Last Updated : 2025-10-20 Read more