NAPAKUNOT NA ANG noo ni Gabe. Kung naroon ang babae ibig sabihin ay nakalabas na ng hospital ang gaga na ang huling alam niya ay nasa Marinduque ito. Iniiling niya ang ulo. Ayaw niyang makita ang babae ngayon dahil paniguradong wala naman itong magandang sasabihin sa kanya at sisirain lang ang magandang simula ng kanyang araw ngayon. Iniiling niya ang ulo, binawi ang sinabi ng kanyang isipan. Hindi naman siya busy sa mga sandaling iyon, maano bang papasukin niya at panoorin na naman itong maging desperada sa kanyang harapan ngayon? Dagdag entertainment niya ang babae.“Let her in and bring her a glass of water.” The secretary nodded.“Noted, Attorney Dankworth.”A moment later, the secretary arrived, bringing Cresia with her. Matapos ang ilang araw na hindi pagkakita, si Cresia ay mukhang mas haggard ngayon, na tanging balat ang natitira sa kanyang mga kamay na may bakas ng tusok ng karayom ng dextrose. Humpak ang pisngi nito at malalim ang mga matang lubog at nangingitim ang palibot
Dernière mise à jour : 2025-11-05 Read More