MATAPOS NG ILANG sandaling kwentuhan, tuluyang nakalimutan na ni Gia ang tungkol kay Cedric. Her little face was vivid, bright and moving. She is the child of Giovanni Bianchi and Gabriella Dankworth, and her appearance is naturally first-rate. Ano pa ba ang aasahan?“Kumusta nga pala ang Daddy at Mommy?”“Okay naman po sila, Tita. Nasa Baguio pa rin.”Tumango ang ulo ni Paloma. Muling humigop ng tea sa kanyang tasa.“Eh ang Kuya Gabriano mo, ilan na ang anak?”“Dalawa na, Tita Paloma. Si Vaniel ay nasa US.” una ni Gia dahil alam niyang ito ang sunod na itatanong ng babae. Kumbaga ay advance siya.“US? Anong ginagawa naman doon ng bunso niyo? Aba, ang kayo na ng abot niya ha?”“Taping po,Tita.”“Ah, oo nga pala. Siya ang sumunod sa yapak ng Mommy niyo. Naging magaling na artista.”Umangat ang isang gilid ng labi ni Gia. May kalokohang naglalaro na sa kanyang isipan.“Kaya ko rin naman iyon Tita, kung ‘di lang ako ipinanganak na medyo mahiyain.”Malakas na bumunghalit ng tawa si Paloma
Leer más