GANUN NA LANG ang iling ng ulo ni Gia, pero nanatili pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Humigpit na ang yakap sa hawak na bouquet. “No, Dad. Friendly gesture lang itong bulaklak. He is someone you knew before. Hulaan mo—”“Someone we know? Sino, Giavanna?”Giovanni’s eyes were far-reaching. Kung nagawa niya lang makalapit agad kanina, nakita niya sa malapitan kung sino ang bulto.“Dad, kapag nag-invite ako ng ibang tao na mag-join sa atin ngayong holiday season, okay lang ba ‘yun sa inyong dalawa ni Mommy ha?”Kinuha na ni Gia ang isang braso ng ama at ini-angkla na ang isang kamay doon. Humakbang na ang dalaga palayo sa lugar matapos na utusan ang sumalubong na maid na kunin ang lahat ng kanyang mga pinamili sa likod ng compartment ng kanyang kotse. “Of course, anak. Mas marami ay mas masaya.”“Thanks, Dad!”“Bakit Gia, marami kang bisitang pupunta?”“Hindi naman marami Dad, saka hindi pa rin sure kung available nga sila. Gusto ko lang malaman kung papayagan niyo ako ni Mom…”Nagpat
Read more