ILANG ULIT NA napamura si Bene sa kanyang isipan nang maramdaman na dinikit pa ni Gia ang katawan niya sa kanya. Hindi lang iyon, dumantay pa sa beywang niya ang isang binti ng kasintahan. Komportable pa rin na natutulog. Sinubukan ni Bene na umusog ang katawan papalayo, ngunit hinila lang siya nito palapit na para bang personal na hugging pillow. Mariing ipinikit ni Bene ang mata, nagpipigil na huwag mag-react ang katawan lalo na nang maramdaman niya ang malusog na dibdib ni Gia na lumapat na sa likod niya.‘Shit! Gia, stop!’ hiyaw ng kanyang isipan dahil kilala niya ang sarili oras na mag-init, walang makakapigil sa kanyang gustong gawin. ‘Stop, kung ayaw mong mawala na ako sa katinuan.’Nakahinga nang maluwag si Bene nang muling marinig ang hilik ni Gia, unti-unting kumalma ang nagmamadaling tibok ng puso niya na pakiramdam ni Bene ay sasabog na noon. Dahan-dahan siyang gumalaw upang tumihaya. Halos magdikit na ang kanilang mukha ni Gia sa sobrang lapit nito sa kanya. Hagip ng gili
Leer más