NAISIP NI GIA na kung naroon lang si Vaniel, hindi siya maiiwang mag-isa ng mansion. Kung maiwan man na gaya nito, may makakausap siya dahil gaya rin niya si Vaniel na mas gugustuhing manatili sa mansion keysa ang lumakwatsa lang.“Siya nga pala, kumusta kayo diyan?” “Okay naman. Sina Mommy at Daddy papunta ng Masbate, ang pamilya ni Kuya Brian ay mamasyal sa labas.” pagbabalita ni Gia dahil paniguradong wala pang alam doon ang bunsong kapatid, “At ako? Stucked ako sa mansion. Hindi ako lalabas.”“At bakit naman? Meet your friends, Ate Gia. Or bumaba ka ng Manila. Punta ka kina Tito Gavin. Sama-sama ‘yun sila.”Pinag-isipang mabuti ni Gia kung sasabihin niya ba sa kapatid ang tungkol sa kanilang bisita. Kung gagawin niya iyon, paniguradong malalang kantyaw ang aabutin niya dito. Sa kadaldalan ng kanilang Kuya Brian, binanggit nito kay Vaniel ang tungkol kay Bene. Ang masaya lang sa part na iyon, botong-boto si Vaniel sa lalaki na maging bayaw ng dahil kay Gia.“Tinatamad ako. Gusto k
続きを読む