Sorin POVNgayong araw, nagpasya akong sorpresahin sina Lumi at Nanay Yumi. Ang tunay na surprise ko sa kanila ay si Tatay Atlas. Ilang araw ko na siyang kinukumbinsi na manatili muna sa mansion kasama namin, at ilang araw rin niya akong tinatanggihan. Palagi niyang sinasabing mamamatay daw ang mga alaga niyang manok at aso sa bahay kapag iniwan.Hindi ako tumigil nang hindi siya nasasama, kaya ang ginawa ko, naghanap ako nang mapag-iiwanan sa bahay nila Lumi doon sa probinsya. Nag-hire ako ng taong titingin at mag-aalaga sa mga aso at manok ni Tatay Atlas. Yung na-hire ko ay maalam sa pag-aalaga ng hayop, kaya hindi na nakatanggi si Tatay Atlas. Wala na siyang nagawa kundi sumama sa akin sa city.Kaya nang makarating kami sa mansion, pinaghanda ko na ang lahat.Pagpasok pa lang namin, nakita ko agad sina Lumi at Nanay Yumi sa living room, masayang nagba-bonding.“Lumi,” tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang napalingon. Nang makita naman niya kung sino ang nasa likuran ko, literal na
Read more