Ahva POVKahit mga simpleng bagay lang ang ginagawa ni Tito Eryx, ang lala ng effect nito sa puso ko. Bakit? Kasi, sobrang cold niya dati. Ni tignan nga ay hindi niya magawang gawin sa akin kahit isang minuto lang. ‘Yung tipong, wala ka talagang mararamdamang pag-asa na baka magkagusto siya sa akin, ganoon.Pakiramdam ko, hindi lang lagnat ang gumagaling sa akin ngayon, pati ata puso ko.Sa totoo lang, kung palaging ganito ang may sakit, baka hindi na ako magreklamo. Kasi sa bawat paglagay ng bimpo sa noo ko ni Tito Eryx, sa bawat inabot niyang tubig, sa bawat hagod ng kamay niya sa likod ko habang nanginginig ako sa lamig, naramdaman ko na tila seryoso na talaga siya sa akin.Naisip ko tuloy, kung makukuha ko naman pala ng maaga ang puso niya, baka puwedeng hindi na ako magpakahirap na umakyat sa rank one. Kaya lang, paano, iiwan ko na ba agad sa ere sina Penumbra, Amon, Cael at Nyra?Umiling ako, hindi ganoon ang mga Tani. Kahit na mukhang mananalo na ako sa puso ni Tito Eryx, panin
최신 업데이트 : 2025-07-29 더 보기