“Gusto mo ba talagang sumali?” Malambot ang tingin ni Chiles, at bahagyang nakangiti ang mga labi niya, may ibig sabihin ang ngiting ‘yon.“Of course I do. Gusto kong marating ang level ni Jaeger balang araw,” sagot ni Mirael, saka siya napangiti nang bahagya, “Pero ideya ko lang naman ‘yon.”“My wife is so great, she’ll be better than Jaeger,” sagot ni Chiles habang itinuon muli ang tingin sa kalsada.Akala ni Mirael ay nagpapalakas lang ito ng loob, kaya ngumiti rin siya. Biglang tumunog ang phone niya, si Solene ang tumatawag.“Kumusta na si Chiles?” ‘yon agad ang unang tanong ni Solene. Napatingin si Mirael kay Chiles bago sumagot nang kunwari ay nagtatampo, “Mom, bakit siya agad tinanong mo? Ako hindi mo man lang kinamusta.”“Eh ikaw, anong problema mo? Wala ka namang sakit,” sagot ni Solene, saka nagtanong ulit, “Nasa ospital pa ba si Chiles?”“Na-discharge siya kagabi. Papunta na kami kina Mom and Dad ngayon.”“Ay nako, hindi niyo man lang kami sinabihan na discharged na pala s
Terakhir Diperbarui : 2025-07-15 Baca selengkapnya