Chapter 94“Kung galing kang trabaho, you should just rest tonight,” mahinahong sambit ni Paul kay Zyril. Halos hindi mapakali si Dia nang marinig iyon, dahil ramdam niya ang pag-aalala sa boses ni Paul para kay Zyril.Ang tono, ang lambing — parang may tinik na agad sa lalamunan ni Dia habang pinipigilan ang sarili na magsalita.“I really just miss you. Hindi tayo nag-uusap ng madalas because I was too busy, kaya gusto ko rin naman na mag-effort. By the way, Dad was asking you, kailan ka raw bibisita sa bahay?” tanong pa ni Zyril, mas lalo pang nilagyan ng tamis ang boses nito. Ang mga mata niya ay nakatuon lang kay Paul, para bang silang dalawa lang ang nasa mesa.Si Dia naman, nanigas lang sa kinauupuan niya. Ramdam niya ang bigat sa dibdib at parang gusto niyang tumayo na lang at umalis, pero pinilit niyang manatili. Why am I even here? tanong niya sa isip niya, habang pilit na pinapakalma ang sarili.“Just order whatever you want, okay? Huwag kang mahihiya,” nakangiting sambit ni
Huling Na-update : 2025-09-23 Magbasa pa