Kumakalabog ang dibdib niya habang tinititigan ang screen pagkatapos pindutin ang send. Para siyang nakipagpustahan sa sarili kung kakayanin ba niyang maging matapang at kunwari’y walang pakialam. Pero sa totoo lang, kabado siya at sabik sa isusunod na sagot nito.“Ganyan nga, Dia. Don’t make him feel na worried ka. Huwag kang magpaka-desperada,” sambit pa niya sa sarili, halos pabulong ngunit mariin, na para bang pinapaniwala niya ang sarili niya. At saka siya ngumiti, pilit pero may halong ginhawa.“I’m proud of you!” dugtong pa niya at tinapik ang balikat niya, animo’y may trophy siyang napanalunan. Dinama niya ang sandaling iyon, pinikit ang mga mata at huminga nang malalim, pinapaniwala ang sarili na kaya niyang kontrolin ang damdamin niya—kahit ang totoo, hindi naman talaga.At dahil alam na niyang nakauwi na ito, umayos na siya sa pagkakahiga niya at naghintay kung magrereply pa. Hindi niya mapigilang mapangiti nang biglang may dumating na bagong message. Muli siyang napaangat
Last Updated : 2025-09-26 Read more