Doon napansin ni Sierra na karamihan sa mga kababaihan ay abala sa pagluluto upang paluguran ang kaparehang mga lalaki, roon niya napagtanto na bulgar ang nasa isipan niya na tanging katawan lamang nila ang maaaring pampasaya ng mga ito. “Talaga?” tanong ni Wenna, halos hindi makapaniwala. “Mm,” maikling tugon ni Sierra, gumuhit ng bahagyang hiya ang kanyang mata. Kapagkuwan ay sumandal si Wenna kay Sierra, na para bang mayroon itong importanteng sasabihin. "Alam mo bang may isang trick para makuha mo ang loob ng isang lalaki?" Mahina niyang tanong. “Ano naman iyon?" Kunot-noong tanong ni Sierra, kuryoso. Umismid si Wenna, "alamin mo ang mga bagay na gusto nila. Alamin mo kung ano ang paborito nila, unahin na natin sa pagkain. Kasi nga may kasabihang, 'The way to a man's heart is through his stomach'." Biglang naalala ni Sierra ang sinabi noon ni Esmeralda, ang tiyahin ni Marco—na mahilig si Marco sa strawberry cake. Pero hindi na niya muling nagawang gawin ‘yon. Dahil sa sa
Last Updated : 2025-10-13 Read more