Bagama't mailap si Marco pagdating sa mga babae, hindi ibig sabihin niyon ay wala siyang ideya sa mga uri nito. Sa isang tingin pa lang, alam niyang tukuyin kung alin ang hindi sinasadyang pagpapakita ng katawan at alin ang sinasadyang mang-akit. “Alisin mo iyan," malamig na utos ni Marco. Sandaling natigilan si Sofie, saka ito ngumiti ng matamis. "Oww... Did you know that it took awhile for me to roast these myself, natalsikan pa nga ng mantika ang mga kamay ko oh, look it's red..." Pagpapaawa pa nito. "Tikman mo naman, Mr. Montezides, promise, masarap 'yan." Habang sinasabi iyon, iniunat niya ang maputi niyang kamay sa harap ni Marco. May ilang pulang tuldok nga sa likod ng palad niya, tanda ng pagkakatalsik ng mantika. Tinaasan siya ng tingin ni Marco—malamig ngunit matalim—at sa tonong puno ng kahulugan ay tinanong, “are you trying to seduce me?” Hindi inaasahan ni Sofie ang ganoon ka-straightforward na tanong ni Marco. Bahagya siyang nagulat, pagkatapos ay saglit siyang t
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-14 อ่านเพิ่มเติม