A year later…“Zian!” malakas kong tawag sa kanya, at halos kasunod no’n ay ang mabilis na yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa akin, nagmamadali, tila ba may kung anong kaba sa bawat hakbang niya.“Yes, madam?” bungad niya, bahagyang hinihingal ngunit may ngiti pa rin sa labi, ngunit agad ding napalitan iyon ng pagtataka nang iabot ko sa kanya ang pregnancy test na nanginginig pa sa aking kamay.Hindi niya agad naunawaan.Ngunit nang bumaba ang tingin niya rito, doon ko nakita ang unti-unting pagbabago sa kanyang mukha—mula sa pagtataka, naging gulat, hanggang sa tuluyan nang nanlaki ang kanyang mga mata na para bang hindi niya kayang iproseso ang nakikita niya.“O-Oh my… Oh my God…” halos pabulong niyang sambit, ngunit narinig ko ang panginginig sa boses niya, ang halo ng takot, saya, at hindi makapaniwalang emosyon.At bago pa ako makapagsalita, bigla niya akong hinila palapit at niyakap nang mahigpit.“We’ll be parents, honey!” sigaw niya, puno ng saya at hindi mapigilang exci
Baca selengkapnya