CHAPTER 343: =Elvira’s Point Of View= “ZIAN?! ZIAN!!!” Sumisigaw ako habang lumalapit sa kanya, ang mga kamay ko nanginginig, ang mga tuhod ko halos bumigay sa takot. Nakahandusay siya sa kalsada, duguan ang gilid ng katawan niya. “Tumawag kayo ng ambulansya! Please!” pasigaw kong sigaw sa legal team namin, nanginginig ang boses ko, nanlalabo na ang paningin ko sa luha. Pinisil ko ang pisngi niya, hinawakan ko ang mukha niyang malamig na. “Zian… hon, please, wag mo akong iiwan. Hindi pa tapos ‘to, di ba? Hindi pa tayo tapos…” bulong ko sa pagitan ng hikbi. Bahagya siyang dumilat, marahan, pilit. “Elle…” Mahina ang boses niya, halos pabulong. “Shh… wag kang magsalita, okay? Eto na ‘yung ambulance. Ligtas ka, maririnig mo pa ulit boses ko, a… makakain mo pa ‘yung paborito mong kare-kare ko,” pilit kong ngiti habang lumuluha, yakap-yakap ko ang katawan niyang unti-unting nilalamon ng malamig na gabi. “Elle… mahal kita.” Napaluhod ako. “‘Wag mo akong paiyakin ng ganito,” bulong ko
최신 업데이트 : 2025-06-23 더 보기