LIBBY“Hello po, kami po ang bago niyong neighbor,” nakangiti na bati ko sa mga tao na nakatambay dito sa labas at nag-iinuman sila.“Welcome sa barangay namin,” sabi rin nila.“Mister ko, I like it here na talaga. Mabait ang mga people dito,” malambing na sabi ko kay Arthur.“Sabi ko naman sa ‘yo, Misis ko maganda talaga dito,” sabi naman niya sa akin.“Tagay muna, boss.” sabi ng isa kay Arthur.“Naku, hindi po umiinom ang asawa ko. Ako na lang po,” sabi ko at mabilis kong ininom ang anak na binigay nila. Gusto kong mag-react pero hindi ko ginawa dahil ang pangit ng lasa ng alak nila. Purong-puro talaga.“Salamat, mga tropa.” sabi ko sa kanila.Kailangan ko itong gawin para may makasundo ako sa kanila. Magagamit ko rin sila sa panahon na kailanganin ko sila. Sa ngayon ay mag-explore na lang muna kami.“Ano pa ang mga pangalan niyo?” tanong ng isa sa kanila.“Ako po si Maria Mangku at ito naman ang asawa ko si Pedro Mangku. Kapatid ko si Mana, Nanggalka,” nakangiti na pakilala ko sa ka
Last Updated : 2025-09-10 Read more