THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS PO!
LIBBY“Hindi po ba kayo magsasalita? Ano po ang ibig sabihin nit–”“Ang totoo kasi ay–”“Ay ano–”“Tao po, tao po!” naputol ang sasabihin ni Cherriepie dahil may tao sa labas kaya naman ako na lang ang lumabas at hinayaan ko silang dalawa.Binuksan ko ang pintuan.“Susmaryosep!” nagulat ang matanda sa akin at nakahawak pa siya sa dibdib niya. Halatang nagulat siya sa akin.“Magandang araw po, lola. May kailangan po kayo?” nakangiti na tanong ko sa kanya.“Magandang araw rin sa ‘yo, inday. Kayo ba ang bagong lipat dito?” tanong niya sa akin.“Opo, lola. Ako po si Maria Mangku,” sagot ko sa kanya.“Mangku?”“Apelyido po ng asawa ko, lola,” sabi ko pa.“May asawa ka?”“Wow, grabe naman po sa gulat,” sabi ko sa kanya.“Misis ko, bakit ang tagal mo?” narinig ko ang boses ni Arthur.“Susmaryosep! Asawa mo ang babaeng ito, iho?” tanong pa ng matandang ito na judgemental rin pala.“May problema po ba kayo sa akin, lola?” tanong ko sa kanya at pinipigilan ko ang sarili ko na taasan siya ng kil
LIBBY“Umalis nga kayo! Lubayan niyo ako! Mga bwisit kayo—” sigaw ni Cherripie pero bigla na lang siyang kinagat ni Gallong kaya nagkunwari akong nagulat.Kanina ay nagulat ako pero mabilis rin naman akong nakabawi dahil natutuwa ako sa mga alaga ko na talagang mga masunurin. Alam na alam talaga nila ang mga instructions ko sa kanila kahit pa wala ako. Umalis lang ako pero ito na agad ang nadatnan ko dito.“Ate, bakit mo ba iniwan ang mga alaga mo. Sinaktan ako ng pangit na unggoy na ito at kinagat pa ako ng bwisit na–Aray! Ano ba?!” sigaw niya dahil kinagat na naman siya ni Gallong.“Pasensya ka na, pero kasi allergic si Gallong sa salitang bwisit,” sabi ko sa kanya kaya laglag ang panga niya.“Bakit po hindi mo agad sinabi, ate?” umiiyak na sabi niya sa akin.“Kasi akala ko naman hindi mo siya tatawagin ng ganyan,” sabi ko sa kanya.“Iniwan mo kami dito at ako ang sinaktan nila,” sabi pa niya.“What’s happening here?” tanong ni Arthur na nakasunod na rin pala sa akin.“Kuya, sinabun
LIBBYSumakay kaming dalawa sa tricycle na sinabi nila. Kasya naman kaming dalawa dito sa loob pero dahil malaki ang lalaking ito ay dikit na dikit kaming dalawa. Napansin namin na panay ang silip ng driver sa amin.“Mister ko, may gusto ka ba para sa lunch?” tanong ko sa kanya.“Ikaw, ikaw lang ang gusto ko,” sagot naman ng isang ito.“Ano ka ba naman, ‘wag mo ngang sabihin ‘yan.” kunwari ay sabi ko sa kanya.“Kasi naman ang sabi mo kanina ay honeymoon natin pagdating natin sa bahay. Pero pupunta pala tayo sa palengke,” sabi niya sa akin.“Mister ko, mamayang gabi na po. Saka ‘wag ka nga magsalita ng ganyan, nakakahiya kay manong,” sabi ko pa sa kanya.“Mahal na mahal kita, Misis ko.” sabi niya at hinalikan na naman niya ako.Nakakarami na talaga ang lalaking ito. Kung hindi lang talaga masisira ang trabaho na ito ay sinapak ko na talaga ito. Pero mukhang enjoy na enjoy rin talaga siya.“Mukhang bago pa lang kayong dalawa?” tanong sa amin ni manong driver.“Opo, manong.”“Sure ka na b
LIBBY“I’ll call Elias na lang para naman makasama natin siya at para maniwala sila sa akin na mabisa talaga ang gayuma na ginagamit ko. Magdagdag ako ng lalaki sa buhay k—”Nagulat ako dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Tinulak ko naman siya pero mas niyakap niya ako kaya naman ako itong hindi makaalis sayakap niya. Mas niyakap pa niya ako ng sobrang higpit. Kaya naman wala na akong nagawa kundi hayaan siya.Hindi ako tumugon sa halik niya kaya naman tumigil na siya.“Don’t you dare, Misis ko.”“Gusto ko lang naman na malaman nila na malakas akong gumawa ng gayuma,” sabi ko sa kanya.“Sa akin mo gamitin ang gayuma na ‘yan,” sabi niya at muli na naman niya akong hinalikan. Ako naman itong hindi alam kung ano ba ang gagawin ko. Pero wala akong magawa kundi ang tumugon na sa halik niya. Hanggang sa naging mapusok na ang labi niya. Ramdam ko ang gigil niya kaya naman natumba ulit kaming dalawa sa kama at sa ibabaw ko siya.Tumigil siya at nagkatinginan kaming dalawa pero
LIBBY“Hello po, kami po ang bago niyong neighbor,” nakangiti na bati ko sa mga tao na nakatambay dito sa labas at nag-iinuman sila.“Welcome sa barangay namin,” sabi rin nila.“Mister ko, I like it here na talaga. Mabait ang mga people dito,” malambing na sabi ko kay Arthur.“Sabi ko naman sa ‘yo, Misis ko maganda talaga dito,” sabi naman niya sa akin.“Tagay muna, boss.” sabi ng isa kay Arthur.“Naku, hindi po umiinom ang asawa ko. Ako na lang po,” sabi ko at mabilis kong ininom ang anak na binigay nila. Gusto kong mag-react pero hindi ko ginawa dahil ang pangit ng lasa ng alak nila. Purong-puro talaga.“Salamat, mga tropa.” sabi ko sa kanila.Kailangan ko itong gawin para may makasundo ako sa kanila. Magagamit ko rin sila sa panahon na kailanganin ko sila. Sa ngayon ay mag-explore na lang muna kami.“Ano pa ang mga pangalan niyo?” tanong ng isa sa kanila.“Ako po si Maria Mangku at ito naman ang asawa ko si Pedro Mangku. Kapatid ko si Mana, Nanggalka,” nakangiti na pakilala ko sa ka
LIBBY“Tulungan niyo naman muna ako. Hinihila pa rin niya ang buhok ko!” sigaw sa amin ni Cherripie.“Pigilan mo kasi siya,” sabi ko sa kanya.“Ang lakas niya. Parang matatanggal na ang mga buhok ko.” parang naiiyak na siya.“Shagidi, stop na po. Don’t hurt your tita Pie. Baka maubos ang mga kuto niya, mag-iwan ka naman para sa mga susunod pa na mga araw. I mean kawawa naman ang buhok niya,” saway ko sa alaga ko.“Miss Libby, baka puwede na ‘wag mo ng isama ang mga alaga mo. Baka naman po maubos ang buhok ko sa alaga mo. Trip niya ang buhok ko eh,” sabi niya sa akin.“Mas may pakinabang sila kaysa sa ‘yo kaya ‘wag mong sasabihin na iwan ko sila. Baka naman kasi may kuto ka kaya naamoy niya,” sabi ko sa kanya dahil nainis ako sa kanya.“Cherrie, hayaan mo na lang siya. Hayaan mo na ang mga alaga niya. Lumayo ka na lang kay Shagidi para hindi niya hilain ang buhok mo at mas mabuti siguro na itali mo na ‘yan lagi. Mas nakakapagtrabaho rin kasi siya ng ganito, lalo na kapag kasama niya ang