END OF BOOK 1Nang mapansin ni Esther na mas nanahimik ako ay naging madaldal na siya. I know she's doing that to divert my attention kasi ang nasa isip niya ay baka napupuno na naman ako ng takot at pangamba sa mga nangyayari.Nag-asaran na naman sila ni Kio na ikinatawa ko. Ganoon sila habang namimili kami at kahit ang ibang mga customers ay napapangiti sa kanila at kinikilig. May isa pang matanda na naki-ride."Ganiyan kami noon ng asawa ko... ngayon fifty-years na kaming kasal."Natuwa talaga ako lalo at si Esther ay pulang-pula na ang mukha. Tapos ikinangiti ko nang lumapit si Kio at nag-bless dito."Eh, tingin ninyo po ba lola, kami po ilang taon ang aabutin kapag naging mag-asawa na?" tanong pa niya habang malawak ang ngiti!Pati tuloy ako ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ng malapad dahil tunog walang halong biro 'yon, eh! Tapos itong si Esther sa tabi ko, napatanga na lang."Ahh, tingin ko naman aabot kayo ng sixty years.""Wow, thank you po, lola," sagot naman ni Kio
Last Updated : 2025-10-27 Read more