“And they are obviously investigating Anais Acosta’s birth place, parents at ang mga nangyari sa kaniya noong nakaraang taon!” Nasa sala ang nagsasalita, ngunit hanggang sa kusina ay naririnig ni Agatha ang frustrasyon sa boses ni Damian habang kausap si Klaus. Mabuti na lamang nasa taas si Coleen at nilalaro si Akhil, dahil ayaw niyang makarinig ng mga sigawan at galit na mga boses ang mga bata. Nasa kusina siya kasama si Yara at pinapakinggan ang pinag-uusapan ng matatanda sa sala, kasama ng mga ito si Klaus at ang mag-asawang Giovanni at Anthonette. Sinadya sila ng pamilyang Galvez sa kanilang tahanan dahil sa isyu tungkol sa pag-iimbestiga ng pulisya sa tunay na pagkatao ni Anais Acosta. “Klaus, please, if there’s something you need to tell us, now is the right time.” Pakiusap ni Filomena. Napasulyap si Agatha sa sala kung saan pinapalibutan ng mga matatandang Galvez ang kaniyang asawa. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Klaus, mariin ang pagkakatikom ng bibig, at kahit na
Last Updated : 2026-02-12 Read more