“Hoy, ikaw!” Dinuro niya ang camera. Nagulat si Jenna at napatayo. “Miss…” sinubukan siya nitong awatin pero itinulak niya lang palayo ang babae. “Hoy, Archimedes Garcia! Gusto kong makita mo ‘to! Ano na? Mabubulok na lang ba ako rito sa isla? O ito na ang paraan mo para i-torture ako? Aba! Lumelevel up ka na! Iba na ngayon ang mga pamamaraan mo!” Irita niyang sabi. “Miss. Baka bumaba rito sila Solomon.” Bigla’y sabi ni Jenna. Pero hindi niya pinansin ang babae. Hindi na siya natatakot kay Solomon, dapat nga siya pa ang katakutin ni Solomon dahil kung magagalit siya ulit ay siguradong sasaktan na naman niya ang kaniyang sarili. “Sige na, panalo ka na! You want me to admit it? You want to hear it from me? Yes. You’re right… I’m Yvonne Santiago, the woman you’ve tortured, assaulted and abused! Oo, ako ‘yon, lintik ka!” Nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. Ayaw niyang umiyak, pero kinakain na ng matinding emosyon ang kaniyang pagkatao. Naghalo-halo na ang frustrasyon,
Last Updated : 2026-02-18 Read more