Isinarado ni Yvonne ang mga nakabukas na bintana dahil masyado nang malamig ang ihip ng hangin. Umuulan na naman sa labas. Tuwing hapon o ‘di kaya’y sa kalaliman ng gabi ay palaging umuulan. Sa umaga ay maayos naman ang panahon, tirik na tirik pa nga ang araw, pero kapag dapit hapon na ay unti-unti ring kumakapal ang langit at nagdidilim. Sa paglipas ng oras ay inaasahan na niyang bubuhos iyon. Naglakad siya papunta sa kaniyang kama. Ala syete pa lang. Hindi pa siya inaantok, ayaw niya pang matulog, ni hindi niya pa nga inilalagay ang mga harang sa pinto. Nagtataka rin siya sa kaniyang sarili kung bakit tila wala rin siyang gana na buhatin iyong mesa, drawer, at ilang mabibigat na muwebles para iharang sa pinto. Marahil, unti-unti na rin niyang natatanggap sa kaniyang sarili na hindi nga siya papasukin ni Archie sa kaniyang silid at pagsasamantalahan. Biglang nagkaroon ng liwanag galing sa bintana. Napatingin siya roon. Nawala din iyon agad. Sunod ay bigla na lamang kumulog. Hind
อ่านเพิ่มเติม