KINABUKASAN, sa maliit na speech therapy room na may malalaking bintana at tanaw ang garden ng ospital, nakaupo si Veronica sa harap ni Dr. Regina Villanueva. Sa gilid, naroon muli si Eros, tahimik na nakaupo, nag-o-observe para matutukan ang progress ng pasyente niya."Veronica, inhale deeply," mahinang utos ni Regina, may himig ng pag-udyok sa tinig. "Ngayon, subukan mong maglabas ng kahit isang tunog. Kahit mahina lang."Sumunod si Veronica, dahan-dahan ang paghinga, ramdam ang paninikip ng dibdib. Pinilit niyang igalaw ang mga vocal folds na matagal nang tahimik. Mula sa lalamunan niya, isang napakahina, halos hindi marinig na ha ang lumabas. Paos, mababa, at halos tunog-hangin lang, pero totoo. Tunog na galing sa matinding pagsisikap.Napahinto si Doc Regina, bakas ang matinding saya. Hindi dahil naawa siya kay Veronica, kundi dahil alam niyang napakalaking hakbang ang nagawa ng dalaga. "That's it, Veronica. Good job," sabi nito, sabay ngiti. Sa gilid, bahagyang ngumiti si Eros,
Last Updated : 2025-06-30 Read more