EPILOGUE – Santorini, GreeceTwo weeks after the wedding...Pagkababa pa lang ng eroplano, agad na sumalubong kay Veronica ang malamig pero preskong hangin ng Santorini. Nasa kalagitnaan ng spring ang isla—hindi pa peak season kaya kalmado, tahimik, at perpekto para sa honeymoon nila ni Eros.Nakatayo sila sa terrace ng cliffside villa nila, tanaw ang deep blue sea at ang rows of whitewashed houses na may blue domes. Naka-bathrobe lang si Veronica habang nakasandal sa glass railing, hawak ang mainit na kape.“Ang ganda dito,” bulong niya, habang dinarama ang hangin.Lumapit si Eros mula sa likod at niyakap siya sa bewang. Suot din nito ang hotel robe, pero nakasuot pa rin ng wristwatch, ever the gentleman.“Not as beautiful as you,” sagot niya sabay halik sa batok ng asawa.“Corny mo,” natatawang sabi ni Veronica.“Pero totoo,” sagot ni Eros. “Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito, sa puntong ito ng buhay ko—kasama ka, kasal na, at tahimik ang lahat. Pero sobrang grateful ko.”
Terakhir Diperbarui : 2025-07-24 Baca selengkapnya