CHAPTER 25 – Conference Chaos BeginsFriday, 8:12 AM – Kawashima-Inoue Law Firm Lobby, BGCMaaga pa pero abala na ang buong team sa ground floor lobby ng law firm. Isang malaking legal conference ang gaganapin sa Batangas ngayong weekend — sponsored ng isang national legal network kung saan affiliate ang Kawashima-Inoue Law. Ang buong litigation team ay required umatend, kasama ang ilang legal assistants.At dahil overnight trip ito, may dala-dala silang overnight bags, lapel folders, case binders, at syempre, sarili-sariling kape."Guys, kung hindi niyo pa alam," ani Trina habang inaayos ang strap ng sling bag niya, "grouped by department ang room assignments. Legal assistants per two, lawyers per two.""Bakit parang may nararamdaman akong foreshadowing," bulong ni Cesca habang sinusuksok ang power bank sa tote niya."Safe naman tayo," sabat ni Marga. "Unless bigla kang ilipat ng fate."Bumukas ang elevator. Lumabas si Seiichi, suot ang signature navy blazer, may bitbit na leather du
Dernière mise à jour : 2025-07-31 Read More