CHAPTER 10 –“ Legalese and Lies.”Lunes ng umaga, at mas mabilis pa sa print queue ng coffee machine ang pagkalat ng tsismis.“Cesca,” tawag ni Joanna habang nakapila sa microwave, sabay pakita ng phone. “Ikaw ba ‘to?”Nilingon siya ni Cesca at tumapat sa screen. Facebóok. Isang post mula sa college friend niya, naka-tag siya sa litrato. Doon, nakaupo siya sa milk tea shop kasama si Emman—nakangiti, naka-grey hoodie, relaxed. Sa caption nakasaad na, “Reunited after years! Thank you for catching up, Cesca!”Public ang post, walang filter, walang warning. At ngayon, naging munting headline sa maliit na social universe ng law firm nila.“Uy, soft launch?” biro ni Mico habang ngumunguya ng ensaymada. “Ngumiti ka, ‘te. Iba ‘yan sa ‘I-will-end-you’ look mo kapag may na-delay na transcript.”“Confirmed. May lalaki sa frame. At cute pa,” dagdag ni Trina na halos mabilaukan sa kilig. “Nagkabalikan kayo ni Emman?”“Emman? As in ‘the childhood friend’ na akala naming hindi nag-e-exist?” singit n
Terakhir Diperbarui : 2025-07-27 Baca selengkapnya