CHAPTER 59 – “Vee, hon, pasensya na kung hindi ako nagpaparamdam. Hindi dahil ayaw kitang kausapin, kundi dahil ayaw kitang madamay. I’m handling something big here… something that could cost everything I built.But I miss you. Every day. Every damn second. I’m sorry…Tumigil ang mundo ni Veronica sa pagbasa ng mensahe.Wala siyang ibang maramdaman kundi isang uri ng biglaang pag-angat ng dibdib—halong kirot, ginhawa, at pananabik. Sa wakas. Sa wakas, kahit ilang salita lang… naramdaman niyang buhay si Eros. Naroon pa rin siya.Marahan niyang ipinikit ang mga mata, pinipigilang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak. Sa loob ng halos isang linggo, parang siya lang ang humahawak sa tali ng relasyon nila, pilit na hindi ito pakawalan.At ngayon… kahit papaano, sumagot din si Eros. Kahit pa bitin, kahit pa hindi malinaw ang lahat.Nag-type siya ng sagot, dahan-dahan. “I understand. I really do. Just don’t shut me out again. I’m always here for you, Eros. Always.”Pagkapindot
Last Updated : 2025-07-18 Read more