CHAPTER 65 –Matapos ang toast ni Cesca, halos hindi siya makabalik sa upuan nang hindi nadadaanan ng mga kantiyaw. Parang bawat isa sa barkada ay gustong may banat, may hirit, o may “ooohhh” na parang nasa teleserye.“Grabe, Cesca, subtle na subtle,” ani Knox habang nakasandal sa upuan, hawak ang wine glass. “Parang hindi ko alam kung toast ba ‘yon o soft launch.”“Soft launch?” tawa ni Veronica. “Girl, hard launch na ‘yon para sa amin.”“Pwede ba, kumain na lang kayo,” sagot ni Cesca habang umupo, pilit na ini-ignore ang mga tingin kay Seiichi.Pero si Keiko, na tila may mas malalim na plano, ngumiti at nagsalita nang malakas para marinig ng lahat. “Okay, so… since may toast na ang bagong recruit, I think it’s only fair na marinig din natin ang side ng OG.”Napalingon si Cesca agad. “OG?”“Original Grumpy,” bulong ni Knox na halos mabulunan sa kakatawa.Umiling si Keiji pero sumang-ayon. “I second the motion. Seiichi, your turn.”“Ay, hindi ako handa,” tanggi ni Seiichi, pero halata
Last Updated : 2025-08-14 Read more