CHAPTER 40 – “Away Mode: Activated.”Tahimik ang buong opisina ng Kawashima-Inoue Law Firm, pero hindi 'yon ang normal na tahimik. Iba ang bigat ng hangin. Para bang may bagyong nakaambang dumaan—hindi mo man nakikita, pero ramdam mo ang tensyon sa bawat kanto, sa bawat sulyap, sa bawat paghinga ng mga taong pilit umiwas sa sentro ng gulo.Ang sentrong 'yon ay walang iba kundi ang conference room kung saan magkaharap sina Seiichi at Cesca.Sa ibabaw ng mesa, nakabuka ang ilang case folders. Sa gilid, may whiteboard na puno ng notes, deadlines, at strategy flowcharts. Pero ang atensyon ng lahat ay nasa dalawa—nakaupo, tahimik, parehong hindi gustong bumigay.Wala pa man ding nangyayari, alam na ng lahat na may mali. May lamat. At kahit gaano pa kaayos ang mga dokumento sa harapan nila, wala ni isa ang makakapagtuwid sa sitwasyon.Ilang oras na ring tahimik si Cesca. Ilang beses na niyang pinilit intindihin ang mga nangyayari—ang mga sulyap na hindi na ibinibigay, ang mga email na wala
Last Updated : 2025-08-05 Read more