MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIX CHAPTER 73RD POV “Alam mo Trace, kahit hindi ko maalala ang nakaraan natin, pero ramdam ko na mahal na mahal kita,” mabilis na napa-ubo si Trace, dahil sa narinig niya mula kay Coleen. Taka naman na napatingin sa kanya si Coleen, habang hindi siya makatingin dito.“Ayos ka lang ba?” Tanong nito sa kanya, habang mabilis siyang tumango. “Dito ka muna, kukuha lang ako ng tubig.” Wika ni Coleen, habang mabilis niyang hinawakan ang kamay nito.“’Wag ka nang mag-abala pa, tatawagin ko nalang ang secretray ko.” Wika niya rito, habang kinuha ang kanyang phone. “Ito nalang ang i-bukod mo, tingnan mo ang mga magkakulay na folder at doon mo ilagay.” Utos niya rito, habang mabilis itong tumango. Lihim na naman siyang napangiti, habang nakita niya ang ginagawa ni Coleen, dahil alam niyang sa oras na bumalik ang alaala nito, ay magagalit ito sa kanya.“Alam mo bang magaling kang maglinis sa opisina ko dati.” Agad na tumingin sa kanya si Coleen, dahil sa kanyang sin
閱讀更多