Share

CHAPTER 9

last update Last Updated: 2025-10-13 19:09:47

BOOK19 C9

3RD POV

“Ano ‘yong narinig ko?” Natigilan siya, habang nakita ang isang babae na medyo may edad.

“Mommy..” Gulat siyang napalingon kay Reymond, dahil sa narinig niya mula rito.

‘Mommy? Ibig sabihin ito ang kanyang ina?’

“Tama ba ‘yong narinig ko kanina? Nagtatalo kayo?” Muling tanong nito, habang mabilis siyang umiling dito.

“Hindi po kami nagtatalo ni Sir, Madam..” Mahinang wika niya rito.

“At wala rin po akong balak na makipagtalo sa boss ko.” Muling wika niya.

“Mabuti kung ganun, dahil ayaw kung nakikita na inaapi ang Anak ko.” Halos matawa siya, dahil sa narinig niya mula sa nanay nito. Asar naman siyang tiningnan ni Reymond, dahil sa itsura niya.

“Pwede bang lumabas ka muna.” Wika sa kanya ng ginang kaya agad siyang lumabas.

Habang nasa labas ay napansin niya na medyo, masungit ang nanay ni Reymond.

‘Mukhang kailangan ko talagang mag-ingat, dahil baka bigla nalang akong palayasin dito. Ano nalang ang ipapakain ko kay Daddy.’

“Bakit nasa labas ka?” Tanong ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 21

    BOOK19 C21 3RD POV “Alam mo bang labis akong nagtataka, nang makita ko siyang may kasamang bata, at tinawag niya pa itong anak.” Lalong naguguluhan si Reymond, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. “Gusto ko lang malaman mo Reymond, na siya ang ina ni Aurora.” Wika ng kanyang ina, hbang gulat silang napatingin sa isa’t-isa ni Amaya. “Anong ibig ninyong sabihin?” Tanong ni Amaya, habang hindi nito napigilan ang mga luha nito na naglandas. “Alam mo naman siguro na gusto kung kunin sa ‘yo ang Apo ko, at alam mo bang nagtagumpay ako sa pagkuha sa kanya.” Sagot ng kanyang ina rito. Habang muli itong nagulat. “Narito ang DNA test, na kinuha ko sa batang kasama mo.” Wika nito, habang pinakita sa kanila ang isang papel. Mabilis itong kinuha ni Amaya at tiningnan. “Kahit isa sa inyo ni Reymond, ay walang nagma-match sa batang ‘yan, kaya ibig sabihin hindi siya ang anak niyo.” “Hindi totoo ‘yang sinasabi niyo! Anak ko si Aashi! At hindi kayo nag-tatagumpay sa pagkuha sa Anak ko no

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 20

    BOOK19 C20 3RD POV “Mommy..” Sagot niya sa kanyang ina, mabilis siyang lumapit dito. Habang napatingin pa rin ito kay Amaya. “Hindi mo pa rin ba nakikita ang Apo ko?” Tanong nito sa kanya. “Hindi pa rin Mommy.” Sagot niya rito. “Kung ganun, bakit hindi ko siya hinanap?” “Hinanap ko siya Mommy, at kakauwi ko lang.” “Ginawa ko na rin ang lahat, para makita siya. Pero wala talaga.” “At hahayaan mo nalang na hindi siya makita?” Napatingin siya sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Hindi ko ‘yon hahayaan Mommy, dahil hahanapin ko ang Anak ko.” “Kung ganun, hanapin mo siya, dahil kapag hindi mo siya makita. Hindi kita mapapatawad Reymond.” Madiin na wika nito sa kanya. “At ikaw, ano ang ginagawa mo rito?” Tanong nito kay Amaya. “Dito ko na siya pinatira, kasama ng Anak namin.” Sagot niya sa kanyang ina, habang bakas sa mukha nito ang gulat.“Anak? Anong anak ang pinagsasabi mo?” Taka na tanong nito sa kanya. “Mommy, gusto kung sabihin sa ‘yo, na nakita ko na ang Ana-.

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 19

    BOOK19 C19 3RD POV “Anong nangyari Reymond?” Tanong sa kanya ni Amaya. “Si Aurora, nawala raw sa bahay.” Sagot niya rito. “Hanapin niyo ang Anak ko, tingnan niyo siya sa buong bahay.” Utos niya sa katulong. Tinawagan niya naman ang kanyang ina, at tinanong dito kung nasa bahay ba nila si Aurora, pero wala raw ito roon. “Fvck! Saan ba siya pumunta?” “Tutulungan kita sa paghahanap sa kanya.” Wika sa kanya ni Amaya, kaya napatingin siya rito at ngumiti. “’Wag na, dahil mas kailangan ka ng Anak natin.” Sagot niya rito. Kagagaling pa kasi ni Aashi sa hospital, kaya gusto niyang bantayan nalang nito ang anak nila, at siya na ang bahala na maghanap sa kanyang anak. “Reymond, hindi ba si Aurora ‘yon.” Turo sa kanya ni Amaya, sa labas ng kotse, kaya mabilis niyang pinhinto ang kotse at dali-dali na lumabas. Nang makita niya ang kanyang anak, ay agad niya itong nilapitan. “Damn! Ano ang ginawa mo rito? Bakit ka umalis ng bahay?” Galit na tanong niya, habang binuhat ito at pinasok sa k

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 18

    BOOK19 C18 3RD POV Mabilis niya itong iniwan, dahil balak niyang balikan si Amaya at Aashi sa hospital. Hindi na rin niya matiis ang ugali ni Aurora, kaya niya ito sinabi. Nang muling makarating sa hospital ay nakita niyang gising na si Aashi, kaya binigay niya agad ang binili niyang laruan dito. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong niya rito, habang napatingin ito kay Amaya. “’Wag kang mag-alala, hindi kana sasaktan pa ni Aurora.” Wika niya rito, kaya napangiti ito sa kanya. “Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa niya sa ‘yo.” Muling wika niya rito. “Pinagsabihan mo na ba siya?” Tanong sa kanya ni Amaya, kaya tumango siya rito. “Bata lang siya, kaya siguro nakaramdam ng pagseselos.” Wika niya, kaya napa-iling si Amaya. “Ano ang sabi ng doctor?” Tanong niya rito. “Ayos na siya, sa kakaiyak niya lang daw ‘yon, kaya siya nahimatay.” “Sa susunod ‘wag mo na siyang hayaan na umiyak.” Wika niya rito. “Mas mabuti siguro, kung aalis nalang kami sa bahay mo, ayaw na rin naman sa

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 17

    BOOK19 C17 3RD POV “Daddy!” Mabilis siyang napalingon, nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kanyang anak. “Bakit mo siya binuhat Daddy?” Iyak na tanong nito, habang napatingin ito kay Aasih. “Umiyak kasi siya kanina Baby, kaya binuhat ko siya.” Sagot niya rito. “Sa susunod, ‘wag mo siyang buhatin, dahil ayaw kung may iba kang bubuhatin, bukod sa akin.” Galit na wika nito, habang binigay niya si Aashi kay Amaya. “Akala ko ba gusto mo siyang maging kalaro?” Tanong niya rito. “Hindi na Daddy, ayoko na sa kanya, dahil binubuhat mo siya.” Sagot nito sa galit na boses. “Pasensya kana sa Anak ko Amaya.” Hinging paumanhin niya rito. “Sinabi ko na sa ‘yo na mali ang pagpapalaki mo sa kanya.” Wika nito, kaya napa-kunot ang kanyang noo. “Pwede bang ‘wag mo akong pagsabihan ng ganyan, dahil hindi mo lang alam kung gaano ako nag-hirap magpalaki ko lang ang Anak ko.” Inis na wika niya rito. “Pero hindi mo ba nakikita ang ugali ng anak mo Reymond?” “Wala kang pakialam sa ugali ko!”

  • My Mysterious Wife   CHAPTER 16

    BOOK19 C16 3RD POV “Ang laki po ng bahay niyo Sir.” Mangha na wika ng bata, habang napatingin siya rito. “Simula ngayon dito na kayo titira.” Ngiting wika niya rito. “Pansamantala Anak, at kapag tapos na ang trabaho ni mommy, babalik na tayo sa bahay.” Napa-kunot ang kanyang noo, habang na-patingin kay Amaya. “Hindi kayo pwedeng umalis, hangga’t hindi ko sinasabi.” Wika niya at tinawag ang katulong. “Kayo na ang bahala sa kanila.” Utos niya rito at iniwan sila, dahil balak pa niyang sunduin ang anak niya na iniwan niya sa kanyang ama. Nang makabalik sa kanyang kotse ay muli niyang naalala ang mukha ng anak ni Amaya, dahil pakiramdam niya ay anak niya ito. “Daddy!” Sigaw ni Aurora, nang makapasok siya sa opisina ng kanyang ama. “Kanina pa umiyak ‘yan, dahil ang tagal mo raw.” Wika ng kanyang ama, habang lumapit siya rito at hinalikan ito. “’Di ba sinabi ko na sa ‘yo na ‘wag kang umiyak. Kapag hindi pa ako dumating.” Muling wika niya, habang itinaas nito ang kamay nito at nagp

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status