MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIII CHAPTER 123RD POV "Kumusta ang tulog ninyong mag-asawa?" Ngiting wika sa kanila ng kanyang ina, habang umupo sila sa tapat nito. "Ayos lang po Tita..." Napatingin ang kanyang ina kay Isla, dahil sa sagot nito. "Hija, hindi ba sinabi ko na sa 'yo na mommy ang itawag mo sa akin." Napangiti si Isla, habang lumingon ito sa kanya. "S-sige po Mommy.." Ngiting wika nito, habang nilagyan siya ng pagkain sa kanyang plato. "Ang bait mo naman Hija, ang swerte talaga ng Anak ko, dahil ikaw ang naging asawa niya." Hindi napigilan ni Charles na ibagsak ang kutsara na hawak niya, dahil sa narinig niya mula sa kanyang ina. Gusto niya sana na sabihin dito na hindi mabait si Isla, dahil ubod ito ng sinungaling. "Akin na palitan ko nalang 'yan." Wika nito, habang nakatingin sa hawak niyang kutsara. "'Wag na." Balewala niyang wika habang nag-umpisa nang kumain."Anak, gusto kung dalhin mo ang asawa mo sa isa sa resort mo," wika sa kanya ng kanyang ina, kaya natigilan
Last Updated : 2026-01-20 Read more