MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIV C103RD POV "Sige po Ma'am Daphne, ihahanda ko na po." Wika ng ginang habang tinalikuran sila. Nang lingunin siya ni Daphne, ay malawak itong ngumiti sa kanya. "Bago pa lang po ba kayo rito?" Tanong nito, habang tumango siya. "Balak n'yo bang pumasok do'n?" Turo nito sa pinto, habang muling tumango si Ale. "'Wag kang pumasok do'n, dahil bawal tayong pumasok d'yan, kapag hindi nila sinasabi." Napa-kunot ang noo ni Alex, dahil sa narinig niya mula rito. "Tayo?" Ulit na wika niya, habang tumango ito sa kanya. "Ibig mo bang sabihin, tauhan ka lang din dito?" Tanong niya, habang umiling ito. "Pamangkin ako ng may-ari, pero kahit pamangkin niya ako, bawal pa rin." Ngiting wika nito. "Kapag nagugutom ka, nando'n ang kusina, maraming pagkain do'n, kaya kuha ka lang kahit ano ang gusto mo." Wika nitong muli, habang tinalikuran siya. Hindi naman maiwasan ni Alex, na maguluhan, dahil sa sinabi nito. 'Kung pamangkin siya, bakit gano'n ang turing sa kanya.
آخر تحديث : 2026-02-09 اقرأ المزيد