MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIIICHAPTER 53RD POV “Kumain kana?” Tanong niya kay Cierra, matapos niya itong nilapitan. "Tapos na akong kumain, ikaw ba?" Tanong nito sa kanya, habang umiling siya, dahil hindi pa siya kumain. "Tara, samahan mo ako." Wika sa kanya ni Cierra, habang hinawakan nito ang kamay niya. Lihim naman siyang napangiti, dahil sa ginawa ni Cierra. 'Sinasabi ko na nga ba, magugustuhan mo rin ako.' "Sandali lang, hindi ba natin kukunin ang sasakyan?" Tanong niya, nang makalabas sila sa gate. "Maglalakad nalang tayo, nakakapagod kapag sumakay tayo." Kunot-noo siyang napatingin dito, dahil sa sinabi nito. "Nagpapatawa kaba?" "Hindi, kaya bilisan mo na." Wika nito, habang malakas siyang hinila. Hindi niya mapigilan na manibago, lalo na at ito ang unang beses na naglalakad siya, palabas ng campus at ito rin ang unang beses na nakikita niya ang paligid. "Mukhang malayo na tayo." Nilingon siya ni Cierra, at inakbayan. "Takot kaba rito sa labas?" Tanong niya kay Gabr
閱讀更多