MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIICHAPTER 193RD POV “Sa tingin mo ba, titigilan tayo ng Lola ko, hangga’t hindi niya makuha ang gusto niya?” Litong-lito na tumingin si Shu Zen sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Alam mo bang ikaw lang ang pinoprotektahan ko, dahil ayokong malaman niya ang tunay mong pagkatao, at ayoko na mapahamak ka!” Sigaw ni Maxwell, habang mabilis na tumayo si Shu Zen, at mabilis niyang hinalikan si Maxwell sa labi. Nang bitawan niya ito, ay kita niya sa mukha nito, ang gulat dahil sa kanyang ginawa. “Kasal na tayo ‘di ba? Kaya siguro naman, pwede mo na akong angkinin Maxwell..” Mapang-akit na wika niya rito, habang mabilis itong siniil muli sa labi. Ang kaninang nakatayo, at nakatulala lang na si Maxwell, ay hindi rin niya mapigilan ang sarili na halikan si Shu Zen. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya, kung bakit tuluyan na siyang naakit sa katawan ni Shu Zen, at kay Shu Zen.Hindi na siya nagdalawang isip pa, na siilin ito ng halik sa labi nito, habang
Read more