“Tita!” agad na tawag ni Ysabella. Agad akong nanlamig dahil sa paraan niya ng pagtawag sa mama ni Lucian, parang magsusumbong siya! “Sabel,” tawag niya pabalik. And then, she faced Lucian angrily. Agad akong tumungo para hindi siya makita. “Malapit na ang election, Luca! Nagawa mo pa talagang umalis?” sabi niya sa galit na galit na boses. I shifted on my seat. Kasalanan ko pa pala? Sana wala nalang ako dito! Unti-unti na akong nanlalamig. Hindi ko na nga malasahan ang kinakain ko dahil sa sobrang kaba. “Do you know what people are saying, Luca? Na hindi ka karapat-dapat na iboto dahil hindi ka seryoso sa posisyong tinatakbuhan mo!”I heard Lucian sigh. “Mama, you’re making Scarlet uncomfortable.” Pumikit ako ng mariin. Sana hindi nalang niya ako isinali sa usapan nila.“I’m sorry, hija. I’m just really upset with Luca! Nagawa niyang umalis kahit alam niyang marami siyang kailangang gawin,” mahinahon niyang sinabi. “Hindi pa ma-contact. Hindi namin alam kung saan hahanapin.” N
Terakhir Diperbarui : 2025-05-05 Baca selengkapnya