Samantha's POVAng init ng araw, pero hindi ko alintana. Sa bawat bata na inaabutan ko ng pagkain, sa bawat matandang nilalagyan ko ng tubig ang baso, parang may gumagaan sa dibdib ko. Mula pa kaninang umaga, hindi ako tumigil. I handed out rice meals, sorted vitamins, gave away hygiene kits. I even tied a little girl’s ponytail habang kumakain siya ng lugaw. She looked up at me with the biggest smile. Simple, sincere. Hindi niya alam na sa ngiting ‘yon, may parte ng puso kong unti-unting gumagaling.“Salamat po, ate,” bulong ng isa pang bata habang kumukuha ng tinapay.Napayuko ako, pinilit ang ngiti. Salamat din, gusto kong sabihin. Kasi kahit hindi mo alam, tinutulungan mo akong makalimot—kahit panandalian lang. Naglakad ako papunta sa medical tent para magpahinga. Ilang volunteers ang nakapila, nagsusulat, nag-aayos ng mga gamit. I stood near the edge, watching a doctor kneel in front of a crying child, gently cleaning a wound on her knee.“Masakit ba?” tanong ng doktor, mahinahon
Last Updated : 2025-07-03 Read more