Kahit na curious ako sa usapan sa loob tungkol sa ama ni Hernais na naririto sa university ay hinarap ko ulit si Lander lalo pa at napansin ko ang titig nito sa akin. “Paano ka ba napunta dito?” tanong ko sa kaniya. “Galing akong 4th floor. I heard shouts and I recognized your voice, that's why I came here,” sagot naman niya. Doon ko rin napansin ang mga papel sa gilid na mukhang mga dala niya. Napabuntong hininga ako at nilapitan ‘yon saka ko ibinigay sa kaniya. “Thank you, Lander. But, really, I’m fine.” Tipid siyang ngumiti. Kinuha niya ang mga papel at pagkatapos ay ipinatong sandali ang palad sa ibabaw ng ulo ko. Now, I felt bad for the disappointment I had earlier when I saw him, especially since he was only concerned about me. “May class ka pa, sige na. Babalik na rin ako sa room,” sagot ko. Hindi siya agad sumagot pero nakatingin lang siya sa akin. “Alright. But, we will talk about this again, gusto ko ay ireklamo mo ito, Ara. Hindi natin masisiguro, baka ulitin pa ni He
Last Updated : 2025-05-23 Read more