"Oh? Nasaan na yung gago?"Sumimangot ako sa kuya sa naging tanong niya sa akin. It's obvious that he's talking about Leonariz. Naglakad ako palapit sa kaniya saka pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran."Aray! Hindi ka naman mabiro!"Tumabi ako sa kaniya at naupo ako habang si Reizzan naman ay nakangiti at humawak sa braso ng kuya. Tiningnan niya ang iniluluto nito na mukhang patapos na."Ang biro dapat nakakatuwa, hindi nakakainis. Saka, kuya, boyfriend ko na si Leonariz, huwag ka naman masyadong maging harsh sa kaniya," sabi ko. Umismid naman siya sa akin at pagkatapos ay kinuha ang sandok at nagsalin na ng ulam sa bowl. Nakamasid lang ako sa kaniya, tinitingnan ang reaksyon niya, hinihintay ang sasabihin niya. Pero hindi siya nagsalita hanggang maisalin niya lahat ng nilutong ulam sa lalagyan. Reiz looked at me, siguro ay tinitingnan niya kung ayos lang ako sa pananahimik ng kuya sa sinabi ko."Hindi mo na maaalis sa akin 'to, Ara."Pagkatapos siguro ng ilang minuto ay nagsalita n
Terakhir Diperbarui : 2025-10-30 Baca selengkapnya