NextGustong mabilaukan ni YLena kahit wala naman siyang iniinom na tubig nang marinig ang sinabi ni Griffin. “Sir—”“We are alone, so don't call me sir,” Griffin cut her off. Tumukhim siya para tanggalin ang bara sa lalamunan saka napakamot sa batok. “Ahm… Griffin, hindi ba masiyado naman atang ‘OA’ kapag ‘babe? Pwede namang tawagin na lang natin ang isa't isa sa pangalan natin, hindi ba?” Sa pagkakataong ito ay si Griffin naman ang hindi makasagot. Tahimik itong sumandal sa upuan bago tumitig sa kanya. “If that is needed, of course, we can also call each other by that endearment. Pasensya na, hindi lang ako sanay.” Peke ang ngiti na paliwanag pa ni YLena. Hindi siya mapakali habang nakaupo sa sofa dahil sa matiim na titig ni Griffin habang naghihintay siya sa sagot nito. Pagkaraan ay isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan nito. “As you wish. And also, I will pick you on Saturday. You need to send me your address.” Tumango si YLena. “That's all, YLena. You can go.” N
Last Updated : 2025-11-14 Read more