Next:Pagkalabas ng venue ay iritado pa rin si YLena kaya’t tinawagan niya ang bestfriend niyang si Dev, pero bago pa niya ma-dial ang numero nito ay mayroon nang taong tumawag sa kanya. Lalong nadagdagan ang iritasyon niya dahil doon pero wala siyang nagawa kundi sagutin ang tawag. “Yes, Dad?” “Ylena, anak. Nasaan ka ngayon?”Nakakunot ang noo na pumara siya ng taxi habang kausap ang ama. Hindi na siya nagtaka kung bakit kahit gabi na ay tinawagan siya nito. Marahil ay nasulsulan na naman ito ng mahadera nitong asawa na kanyang stepmother. “Kakatapos ko lang ng trabaho, pa. May kailangan ho ba kayo?”“Ano pa ba ang kailangan ko sa ‘yo kundi ang presensya mo, anak?” malambing ang boses na sabi nito at kahit iritado ay hindi maiwasang ngumiti ni YLena. Pero nang marinig ang kasunod na sinabi nito ay agad rin iyong nawala. “‘Nak, mayroong dinner party bukas ng gabi dito sa bahay at gusto kong umuwi ka para dumalo.”“Pa? Dinner party na naman? Hindi ba at kakatapos mo lang mag-host ng
Last Updated : 2025-10-22 Read more