Next:Inabala ni YLena ang sarili sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Griffin nitong mga nakalipas na buwan. Kapag hindi ito ang kasama niya ay si Georgina ang kasa-kasama niya na siyang pinaka-excited sa lahat. Mula bridesmaid hanggang flower girl, at kung sino-sino pa ang kailangan ay naayos na nila. Pati ang mga ninong ay kumpleto na rin. Ang kulang na lang ay ang paglakad ng bride at groom sa simbahan. Wala pa rin silang balita sa mag-amang Amanda at Armando pero ang pahiwatig sa kanya ni Griffin ay may lead na ang mga ito kung nasaan si Armando. Walang dapat ipag-alala si YLena dahil protektado siya ng tauhan ng kasintahan. Habang naghihintay sa araw ng kasal ay patuloy pa rin ang trabaho niya sa V’eauty, na ngayon ay siyang leading magazines sa bansa, kahit na sa buong mundo. Kung hindi lang sa paparating niyang kasal ay siguradong binuhos na niya ang oras niya sa trabaho pero agad iyong tinutulan ni Griffin. “We will have our own family soon. Kailangan mo nang balanasehin ang
Last Updated : 2026-01-06 Read more