Next:“Hindi ba at hindi ka makasagot dahil totoo ang sinasabi ko, Ylena?” muling nang-uuyam na tanong ni Amanda kay Ylena. Napangisi ang dalaga. Ang totoo ay hindi na siya nagulat kung pararatangan man siya ng dalawa. Ang ipinagtaka niya lang ay ang video na sinasabi nito. Bagama’t alam niyang sa panahon ngayon madali nang mapeke ang mga videos, hindi pa rin siya makapaniwala sa kalakasan at kakapalan ng mukha ng mag-ina na sirain ang pagtitipon na ang kanyang ama mismo ang nag-organisa. Kaya naman, ang natitirang tao na naroon ay agad na nagpokus ang tingin sa kanya at alam ni YLena na hindi magiging maganda iyon sa reputasyon niya. “Palma, hindi ko akalain na hindi pala mapagkakatiwalaan ang anak ng asawa mo. Akala ko ba, isa na siyang propesyonal na reporter? Bakit kailangan pa rin niyang manguha ng gamit ng iba? Hindi ba niya afford?” Nagkatawanan ang iba pang naroon, lalo na ang mga taong naging kaibigan ni Palma mula nang maging asawa nito ang kanyang ama. Ngunit hindi ito
Last Updated : 2025-10-26 Read more