Kinagabihan, naalimpungatan si Jace na wala si Lara sa kanyang tabi. Maingat na bumangon sa kama ang binata at lumabas ng kanilang silid. Sa hagdan pa lang ay naririnig na ng binata ang tig-iisang pindot ng tiklado mula sa piano room ng mansiyon. Alam na niya agad kung saan hahanapin ang asawa. Tinumbok ni Jace ang daan patungo sa piano room at marahang tinulak pabukas ang pinto niyon. Noon niya nakita ang asawa na nakaupo sa harap ng grand piano at tinutugtog ang musika na ginawa nila noong mga bata pa sila subalit hindi nila natapos."Lara, are you okay?" untag ni Jace sa asawa, pumasok na sa silid at marahang isinara ang pinto.Agad na nilingon ni Lara ang asawa, bahagyang nagulat sa presensiya nito.“J-Jace, bakit k-ka nandito? Gabi na. You should be sleeping,” anang dalaga, bakas ang pag-aalala sa tinig.Pilit na ngumiti si Jace, naglakad palapit sa asawa at umupo sa tabi nito. “How can I sleep when you’re not beside me? Kung gusto mong matulog na ‘ko, dapat matulog ka na rin, M
Last Updated : 2025-03-12 Read more