Napasinghap si Michelle, pinanawan na ng kulay ang mukha. Maya-maya pa, pilit itong ngumiti. “K-Kiel, nandiyan ka na pala,” anito, tumayo na, tarantang isinilid sa bag ang hawak na cellphone. “A-akala ko hindi ka ulit makakarating."“Tumawag ako kanina, di ba? I told you I’ll be here tonight,” sagot ni Kiel, seryoso, naglakad na palapit sa katipan na noon ay bakas pa rin ang gulat sa mukha. “So, who is Arlo?” muling tanong ng binata.Michelle gave out a nervous laugh, ikinumpas pa ang kamay sa ere sa pagtatangkang balewalain ang tanong ng binata. “A-ano, wala ‘yon. Just one of m-my aide in London,” pasisinungaling ng dalaga, lihim na nahiling na sana hindi na magtanong pa si Kiel tungkol kay Arlo.Seeing the deceit in her eyes, Kiel didn’t insist with the subject anymore. “Where are the others? Akala ko ba, on time palagi ang kinuha mong wedding team? It’s ten minutes past seven in the evening. They’re running late.”Kumurap si Michelle, pilit na hinamig ang sarili. “Nag-text si Audre
Terakhir Diperbarui : 2025-05-19 Baca selengkapnya